Tinukoy na ng PNP Pangasinan at COMELEC Pangasinan kung ano anong mga lugar sa lalawigan ang pasok sa listahan ng areas of concern ngayong papalapit na ang halalan. Ayon sa PNP at Comelec isa sa kinunsidera nila ang mainit na tunggalian ng mga magkakalabang partido sa nasabing mga lugar.
Pasok sa listahan ang mga lungsod ng Dagupan, San Carlos, mga bayan ng Bayambang, Santo Tomas, Urbiztondo, Rosales, Pozorrubio, at Balungao.
Mahigpit ding tutukan ng mga kinauukulan ang pag-resolba ng vote buying sa darating na halalan ngayong taon. Isa narin dito ang mga ilegal firearms kung saan lumabas sa datos ng PNP na umaabot sa 38,000 ang loose firearms sa buong rehiyon at 21,200 dito ay nasa pangasinan.
Hinikayat naman ng tagapagsalita ng PNP Pangasinan na wag mag-atubiling ipagbigay alam sa kanilang hanay ang anumang reklamo na kailangan ng agarang aksyon na pangungunahan ng Comelec bilang may saklaw sa eleksyon.
[image: COMELEC-12.jpg]
Mga Election Areas of Concern sa Pangasinan tukoy na!
Facebook Comments