Mga tauhan ng PDEA at QCPD na sangkot sa nangyaring “misencounter” sa QC, padadalhan ng subpoena ng NBI

79

Kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Spokesman Ferdinand Lavin na padadalhan nila ng subpoena ang mga operatibang sangkot sa nangyaring shooting incident sa Commonwealth Avenue sa Quezon City noong Miyerkoles.

Humihingi rin ang NBI sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sa Quezon City Police District (QCPD) ng kopya ng mga dokumento at records ng sinasabing anti-drug operation.


Una nang inatasan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang NBI na magsagawa ng “parallel investigation” sa naturang engkwentro na ikinamatay ng 4 na indibidwal kasama ang dalawang pulis, isang PDEA agent at isang impormante.

Facebook Comments