Natanggap na ng halos lahat ng mga guro sa ng Ministry of Basic Higher and Technical Education-MBHTE-BARMM ang kanilang sahod para sa buwan ng Enero noon pang nakaraang linggo.
Ito ang inihayag ni BARMM Executive Secretary Abdullah Cusain sa panayam ng DXMY.
Sinabi ni Cusain na ang ibang ministries lalo na yaong may contract of service ay pino-proseso na rin ang kanilang mga sahod.
Subalit marami na ring nai-download ang Ministry of Finance and Budget and Management-BARMM na pondo ng mga ministeryo.
Ang mga guro ng MBHTE ang naunang nakatanggap ng sahod dahil absorbed agency naman ito ng kasalukuyang gobyerno kaya’t hindi gaanong kinailangan ang adjustments sa mga pagbabagong teknikal at administratibo kumpara sa ibang ministries na kalilikha lamang na kinailalingan pang pagbukas ng account.
Kasama ng MBHTE ang Ministry of Health at Ministry of Social Services and Development bilang retained o absorbed agency kaya ang mga empleyado ng naturang mga ministeryo ay posibleng nakatanggap na rin ng sahod bagamat sinabi ni Cusain na wala pa s’yang nakaka-usap na minister ng naturang ministries subalit ipinagpapalagay n’ya na nakatanggap na ng sahod ang mga empleyado.
Sinabi pa ni Cusain na para naman sa ibang ministries, kino-comply na lamang ng mga empleyado ang mga kinakailangang isumite nila tulad ng daily time record at accomplishment reports upang makuha na rin ang kanilang sahod.(Daisy Mangod)
PIC Bangsamoro Government FB Page