MGA EMPLEYADO, OPISYAL NG LGU CAUAYAN, NAG-ZUMBA SA MULING PAGSASAGAWA NG FLAG RAISING CEREMONY

Cauayan City, Isabela- Humataw sa pamamagitan ng pagsu-zumba ang mga opisyal at empleyado ng Cauayan City LGU sa muling pagsasagawa ng flag raising ceremony makalipas ang halos dalawang taon simula noong nagkaroon ng pandemya.

Sa muling pagsasagawa ng flag raising ceremony, naging highlight sa seremonya ang pagdiriwang ng Women’s month na kung saan ay inanunsyo ni Ginang Maria Christina Ordoñes, Assistant Cooperative Officer ng Cauayan City ang mga gagawing aktibidades ngayong buwan ng Marso.

Bukod dito, bago bumalik sa kani-kanilang opisina at trabaho ang mga empleyado at opisyal ng LGU Cauayan, nag-zumba muna ang ito at sinayaw ang isa sa nauusong tiktok dance na “Paro-Paro G”.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang paghimok ng lokal na pamahalaan sa publiko na sumunod pa rin sa health and safety protocol kahit na nasa Alert Level 1 na ang status ng Isabela.

Facebook Comments