INFORMATION DRIVE KAUGNAY SA GUN BAN, PATULOY NA ISINASAGAWA NG PNP CAUAYAN

Cauayan City, Isabela- Nagpapatuloy pa rin ang pagsasagawa ng information drive ng kapulisan ng PNP Cauayan kaugnay sa ipinatutupad na gun ban ngayong election period.

Mahigpit pa rin ang pagbabantay ngayon ng kapulisan sa mga nakatalagang COMELEC Checkpoints sa Lungsod ng Cauayan na kung saan ay maayos namang naipatutupad ang mga rules and guidelines kaugnay sa gun ban.

Kaugnay nito ay pinapaalalahanan pa rin ng kapulisan ang mga dumadaang motorista na mag-ingat sa pagmamaneho at obserbahan pa rin ang health and safety protocols.

Sa kasalukuyan ay wala pa namang naitatala ang PNP at COMELEC Cauayan na lumabag sa umiiral na gun ban.

Facebook Comments