Mga Employer na Hindi Nagpapasahod ng Tama, Iinspeksyunin ng DOLE-2!

*Isabela-* Patuloy ang pag-inspeksyon ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region II sa mga establisyemento na hindi sumusunod sa Labor standard ng DOLE.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay DOLE Regional Director Atty. Sarah Mirasol, nagsasagawa anya sila ng forum sa mga employer upang mabigyan ang mga ito sapat ng impormasyon at maipaliwanag ng maayos ang mga bagong patakaran ng DOLE lalo na sa pagbibigay ng tamang sa mga empleyado.

Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga employer na makasunod sa mga bagong polisiya ng DOLE dahil maaari umano na mayroon pang employer ang hindi pa nakakaalam ng mga ito.


Layon din anya nito na maitaas ang compliance ng mga employers mula sa 66 porsiyento na naitala noong 2018 sa buong Lambak ng Cagayan.

Kaugnay nito, mas lalong tututukan ngayon ng kanilang tanggapan ang mga lugar na maraming establisyemento na hindi sumusunod sa kautusan ng DOLE upang matiyak na nagbibigay ang mga ito ng tamang sahod sa mga manggagawa.

Facebook Comments