Mas pinipili ng mga employers sa Kyushu, Japan ang mga Pilipinong manggagawa dahil sa sipag at mabilis matuto.
Ito ang pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) batay sa post outreach mission report ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Osaka, Japan.
Sa kaniyang report, sinabi ni Labor Attache Elizabeth Estrada na nagpapasalamat ang mga employer sa Pilipinas na nakikipag-ugnayan sa kanila sa gitna ng pandemya.
Umaasa ang mga employer na babawiin na ang ban para sa mga foreign worker.
Binisita ng POLO ang worksites ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) lalo na sa vulnerable occupations, partikular sa mga nagtatrabaho sa performing arts at agriculture sectors.
Inalam din ng POLO team ang working at living condition ng mga OFWs at isinulong ang mga programa ng Pilipinas para sa Filipino migrant workers.
Pito mula sa walong prefectures sa Kyushu ang sakop ng hurisdiksyon ng POLO-Osaka, kabilang ang Fukuoka, Saga, Oita, Nagasaki, Kumamoto, Miyazaki, at Kagoshima.
Tinatayang nasa 27,000 OFWs ang nasa rehiyon.