Mga epalitiko na ginamit ang Traslacion, binatikos

Manila, Philippines – Bukod sa mga basura binanatan din ng EcoWaste Coalition ang mga kandidato sa 2019 elections na sinamantala ang Traslacion kahapon at nagpa-epal.

Ayon sa grupo may mga nakita silang tarpaulin ng mga epalitiko na nakasabit pa sa mga prayer stations sa ruta ng Traslacion.

May mga tarpaulin na nakasabit din sa kawad ng kuryente, puno, streetlights at maging sa Quezon Building sa Quiapo, Maynila ay di pinalampas ng mga ‘epalitiko.’


Giit ng EcoWaste, lantaran na itong premature campaigning.

Duda aniya sila na makakakuha ng ‘pogi points’ ang mga epalitiko na binahiran ng pulitika ang Traslacion.

Facebook Comments