Mga establisyimento sa Dagupan City pinakiusapan na sumunod sa ‘No Segregation,No Collection Policy’

Nakiusap ang Solid Waste and Management Division sa mga establisyimento sa lungsod ng Dagupan na sumunod sa ‘No Segregation , No collection policy’ bilang tugon sa problema sa basura sa lungsod.

Sa panayam ng Ifm Dagupan kay kay Mr. Teddy Villamil, Technical Consultant for Environment ng Dagupan City, sinabi nito na dapat magkaroon ng disiplina sa pagsesegregate ng basura hindi lamang sa kabahayan maging sa mga establisyimento na nasasakupan ng lungsod.

Aniya disipilina ang kailangan at pagsunod sa sa 3R, ang Reduce, Reuse at Recycle. Ito umano ay obligasyon hindi lamang ng ahensya ng gobyerno kundi obligasyon ng bawat isa upang maresolba ang problema sa basura na nagdudulot ng pagbaha at pagkakasira ng kalikasan.


Ang ‘No Segregation, No Collection Policy ‘ ay nahahati sa tatlong kategorya una ang plastic, bote at karton na maaring ibenta, pangalawa ang baterya , home appliances at hospital waste at ang pangatlo ay ang sanitary napkins, diapers at disposable waste.

Pansamantalang ilalagay ang mga ito sa controlled dumpsite ng lunsgod habang naghahanap pa ng mapaglilipatan , paggawa ng patakaran at paglalaan ng pondo para dito.

Facebook Comments