Mga estudyante sa Bacolod City sinapian umano ng masamang espiritu

Image via Ricky Filoteo | DYHB RMN Bacolod

Sinapian umano ng masamang espiritu ang ilang estudyante sa Fr. Gratian Murray Integrated School sa Barangay Granada, Bacolod City simula kahapon, Hulyo 8.

Kuwento ng mga guro, biglang sumigaw at nagwala ang apat na babaeng mag-aaral.

Para wala nang sapian ulit, nag-rosaryo muna ang mga estudyante bago magsimula ang klase pero na-possess pa rin ang isang batang babae.


Kasabay nito, sinapian rin ang 10 mag-aaral na nasa ikawalo at ikasiyam na baytang.

Pinatawag rin ang isang pari para i-exorcise ang mga na-possess habang dinala ang ilan sa kanila sa simbahan.

Ayon sa ulat, isang lalaking itim na may batang kasama ang lumitaw sa isang punongkahoy kung saan pinaghihinalaang sinaktan ito ng isang estudyante dahilan para maghiganti ito.

Dahil sa insidente, suspendido ang klase sa nasabing paaralan para wala nang ibang madamay.

Magsasagawa rin ng evaluation ang team mula sa City Health Office upang makumpirma kung totoong sinapian sila or psychological problem ito.

Facebook Comments