Kinakailangan munang maging myembro ng Philhealth ang mga estudyanteng lalahok sa face-to-face classes sa Hunyo.
Sa Laging handa public press briefing sinabi ni Dr. Shirley Domingo ang VP for corp affairs ng Philhealth layon nitong magkaroon ng benepisyo ang mga mag aaral saka sakali man sila ay tamaan ng covid 19 sa pagbabalik nila sa eskwelahan.
Paliwanag nito, sa ilalim ng Universal Health Care Law lahat naman ng mga Pilipino ay otomatikong myembro ng Philhealth, kailangan lamang magregister ng mga estudyanteng 21yrs old and above para makasama sila sa database ng Philhealth at madali ang pag access sa mga benepisyo.
Ani Domingo, magregister lamang online at maaaring bayaran ang monthly contribution online o sa alinmang accredited banks.
Giit pa nito, ang Department of Health (DOH) at Commission on Higher Education (CHED) ang nagpasya ng bagay na ito at sila ay sumusunod lamang sa utos ng mga nabanggit na ahensya.