Presidential candidate Senador Ping Lacson, mainit na tinanggap ng mga mamamayan ng Occidental Mindoro

Sinalubong ng hiyawan, sigawan at palakpakan ang tinanggap ni presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson mula sa mga mamamayan ng San Jose Occidental Mindoro.

Ayon kay Senador Lacson, hindi siya makapaniwala sa mainit na pagtanggap ng mga mamamayan ng Occidental Mindoro taliwas sa mga nagsisilabasang survey na mababa lamang ang kaniyang nakukuha kumpara sa tunay na nangyayari sa ground.

Paliwanag ni Lacson, malaking tulong ang ginawa ni San Jose Occidental Mindoro Mayor Romulo Festin sa pagtanggap sa kaniya at ipinakilala sa mga residente ng Occidental Mindoro ang kaniyang hindi matatawarang integridad ang malawak na karanasan sa gobyerno.


Binigyang diin pa ni Lacson na magkakaroon ng dayalogo sa mga magsasaka at mangingisda upang alamin ang kanilang mga problema at mabigyan ng kaukulang solusyon.

Facebook Comments