General Santos City – Aabot na nang 505 ang mga evacuess ang dumating sa Gensan galing ng Marawi City simula nang nangyari ang bakbakan sa gitna ng teroristang Maute group at ng mga sundalo nga gobyerno doon.
Sinabi ni Vicky Magante, Department Head ng City Social Welfare and Development Office na may nadagdag na mahigit 100 indibidwal sa bilang ng mga evacuees na dumating sa Gensan kahapon.
Sila ay nasa pangangalaga ngayon ng kanilang mga kaanak sa ibat-ibang Barangay dito sa Gensan.
Isinailalim naman sila sa profiling bago sila pinayagan na kunin ng kanilang mga kaanak.
Samantala, para naman sa mga walang kaanak sa Gensan, sila ay kasalukuyang nasa evacuation Center at tinutulungan na ngayon ng LGU sa lunsod.
Facebook Comments