Mga fully vaccinated laban sa COVID-19 sa Pilipinas, halos 11.4-M na

Umabot na sa 24,479,750 ang bilang ng mga naiturok na bakuna kontra sa COVID-19 sa bansa.

Batay ito sa datos ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 hanggang nitong August 8, 2021.

Sa nasabing bilang, 13,087,781 ang nabigyan ng unang dose habang 11,391,969 ang naturukan ng ikalawang dose o fully vaccinated na.


Nasa 516,601 naman ang average ng daily vaccinated individuals sa nakalipas na pitong araw.

Patuloy namang hinihikayat ng gobyerno ang publiko na magpabakuna na.

Pinaalalahanan din ang mga nabakunahan na sumunod pa rin sa minimum public health standards.

Facebook Comments