3.4 milyong halaga ng shabu, nakumpiska sa buy bust operation sa Bulacan; drug suspek, patay

Nasawi sa ikinasang buy bust operation ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang isang drug suspek sa Sta. Rosa 2, Marilao, Bulacan.

Ito ang kinumpirma ni PNP Region 3 Regional Director BGen. Valeriano de Leon.

Aniya, kinilala itong si Tony Cabas residente ng Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City na nasawi matapos ang naganap na shootout.


Nakuha rin sa ikinasang operasyon ang anim na plastic bag na naglalaman ng 550 gramo ng shabu na may estimated value na P3,470,000.

Narekober din ang isang caliber 45 pistol colt automatic at boodle money.

Naniniwala naman si De Leon na sa patuloy na pagkakaaresto, pagkakapatay sa mga drug suspek sa Region 3 ay matitigil na ang bentahan ng droga sa rehiyon.

Facebook Comments