Cauayan City, Isabela- Mahigit walumpong porsyento na sa Lalawigan ng Isabela ang fully vaccinated na resulta na rin ng patuloy na pagbabakuna sa probinsya.
Batay sa datos ng Isabela Provincial Health Office, as of March 29 ay nasa 80.1% o katumbas ng 1, 007, 045 ang bilang ng mga nakatanggap na ng second dose ng COVID-19 vaccine.
Habang nasa 85.7% naman ng target population o 1, 007, 128 ang kabuuang bilang ng mga nabigyan ng unang dose ng bakuna.
Samantala, bumaba ang consumption percentage ng bakuna dahil nasa 83.4% na lamang ito ngayon mula sa naitalang 88% percent noong nakaraang linggo.
Facebook Comments