Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa mahigit 300,000 ang nabigyan ng kumpletong bakuna kontra COVID-19 sa lalawigan ng Isabela.
Sa datos ng National Immunization Program-Isabela Integrated Provincial Health Office as of November 22, 2021, mayroon ng 31.07% o katumbas ng 319,601 katao sa probinsya ang nabigyan na ng 2nd dose ng COVID-19 vaccine.
Nasa 639, 266 o 59.31 % naman ang nakatanggap na ng kanilang first dose vaccine.
Mula naman sa 70% target population, umaabot na sa 59.31% ang nabakunahan sa Isabela na kung saan nasa 72.2% na ang naiturok na mga bakuna sa probinsya.
Sa A1 priority group, 99.8% na rito ang nabakunahan; 74% sa A2; 99.5% sa A3; 130.6% sa A4; 52.8% sa A5; 4,429 sa Pediatric A3; 59,856 sa Rest of Pediatric Population at nasa 84,252 naman sa Rest of Adult Population.
Ang mga naitalang bilang at porsyento ay maliban pa sa datos ng vaccination ng Santiago City.