
Nasa 387 na mga gas station na ang naitala ng Philippine National Police (PNP) na pansamantalang nagsara dahil walang delivery ng produktong petrolyo.
Ang nasabing tala ay mula sa monitoring ng pulisya sa higit 14,000 na gasolinahan sa buong bansa.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., tuloy-tuloy ang monitoring at pag-aksyon ng kapulisan sa mga ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa langis kagaya ng hoarding, profiteering, oil pilferage o paihi, estafa, theft, at paglabag sa PD 1865 katuwang ang Department of Energy (DOE).
Kung saan nasa 17 na kaso ang naisampa at nasa 42 ang naitala namang naaresto.
Hinimok naman ng PNP ang publiko na ireport sa pulisya o itawag sa unified hotline na 911 ang anumang ilegal o unethical practices na may kaugnayan sa suplay at presyo ng produktong petrolyo.










