Nais ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na magsuplay ng gulay at prutas ang Cordillera Administrative Region ngayong naghahanda ang mga Local Government Units (LGU) sa epekto ng bagyong Ambo sa suplay.
Inutusan na ni Dar ang direktor ng DA sa CAR upang makipag-ugnayan sa mga magsasaka doon para ibenta ang kanilang mga produkto sa mga lokal na pamahalaan.
Sinabi pa ni Dar, may kasunduan na ang mga LGU at DA na maisasama na sa mga food packs ang produkto ng mga magsasaka upang matulungan ang sektor ng agrikultura sa panahong may kalamidad tulad ng COVID-19.
Mismong mga LGU naman ang direktang mamimili ng gulay, prutas, at iba pa para maisama sa mga ipapamahaging food packs.
Batay sa report ng PAG-ASA, napapanatili pa rin ni Tropical Storm “AMBO” ang kanyang lakas habang tinatahak ang direksyon pahilagang kanluran ng Samar Island.
Pinapalawak ni TS AMBO ang kanyang lakas habang papalapit sa Eastern Visayas-Bicol Region area.