Mga gumagamit ng MandaTrack, umaabot na ng 182,169

Inihayag ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong na umabot na ng 182,169 batay sa datos nila kahapon.

Mula sa nasabing bilang, 126,812 nito ay mga rehistradong residente ng lungsod at ang 54,493 naman ang hindi, kung saan kasama dito ang mga nangungupahan at mga nagtatrabaho sa lungsod.

Habang nasa 854 ang bilang naman ng mga business establishment o facility ang gumagamit na ng MandaTrack.


Batay sa ordinansa na nakapaloob nito, may kauukulang multa ang hindi paggamit ng MandaTrack habang nasa loob ng lungsod.

Layunin ng MandaTrack ay para mapadali ang contract tracing ng lungsod kaugnay sa COVID-19 at maiwasan ang pagkalat ng virus dahil sa paggamit ng iisang ballpen sa paglagda ng health declaration.

Dahil dito, hinikayat ng pamahalaang lokal ng lungsod ang publiko na mag-download ng MandaTrack sa pamamagitan ng pagrehistro sa mandatrack.appcase.net.

Facebook Comments