Mga guro na maitatalaga sa labas ng kanilang komunidad, pinabibigyan ng dagdag na insentibo

Pinabibigyan ni Committee on Social Services Chairman Alfred Vargas ng insentibo ang mga public school teacher na nakatalaga sa labas ng bayan o probinsya.

Ipinunto ni Vargas na ang pagtatalaga ng mga guro sa mga paaralan sa labas ng kanilang lokalidad ay nanganghulugan ng dagdag na gastos para sa kanila.

Sa ilalim ng House Bill 10174 o “Distant Public School Teachers Incentives Act,” ang public school teacher na itatalaga sa bayan o minusipalidad sa labas ng kanyang residential area ay bibigyan ng P2,000 monthly allowance.


Habang P4,000 naman para sa mga itatalaga sa ibang probinsya.

Ipinanunukala rin ni Vargas na gawing tax exempt ang naturang insentibo.

Oras naman na maibalik ang assignment ng guro sa kanyang home city o municipality ay mahihinto na ang pagtanggap nito ng naturang insentibo.

Facebook Comments