Nagkukumahog pa rin ang mga guro sa paghahanda sa mga paaralan, isang linggo bago ang pagbubukas ng klase sa August 22.
Ayon kay ACT Teachers Party-List Rep. France Castro, maraming silid-aralan pa ang kinakailangang maisaayos lalo na sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo, baha at lindol.
Sa kabila nito, aminado si Castro na hindi na maaari pang ipagpaliban ang pasukan upang hindi makaranas ng learning crisis ang mga bata.
Samantala, malaking hamon din para sa mga guro ang paghahanda sa ligtas na balik-eskwela kung saan una nang iminungkahi ng ACT Teachers ang paglalagay ng bakuna, testing at mga nurse sa mga eskwelahan para maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19.
Maliban dito, problema pa rin ang kulang ng mga silid-aralan.
Facebook Comments