Dismayado at nalulungkot ang mga guro sa naging pahayag ni pangulong Rodrigo Duterte na kokonti lamang umano ang idadagdag sa sahod ng mga guro.
Ayon kay ACT Treasurer Vladimer Quetua, dapat tuparin ni pangulong Duterte ang kanyang unang pangako sa mga guro na dodoblehin ang sahod ng mga guro pero nadismaya sila sa SONA ng pangulo makaraang sabihin ni pangulong Duterte na kakarampot lamang umano ang idadagdag sa sahod ng mga guro.
Paliwanag ni Quetua noong panahon ni dating pangulong Noynoy Aquino ay 500 piso bawat buwan ang dagdag na sahod sa mga guro taliwas sa kanilang hinihingi na dapat 30 libong piso ang sahod sa Teacher 1 dahil ang kasalukuyan nilang sahod ay 20,754 pesos kaya nahihirapan anila silang makaagapay sa mga nagsisitaasang bilihin sa merkado.
Nagbanta ang grupo na magsasagawa sila ng mga sunod-sunod na kilos protesta at sasabayan pa nila ng malawakang kilos protesta sa October 5, isasabay nila sa World Teachers Day.