Mga gym magpapatupad ng 4 meters apart sa kanilang mga establishemento

Upang masiguro na hindi magiging super spreader event ang muling pagbubukas ng mga gym sa Metro Manila.

Ipatutupad sa naturang establishemento ang 4 meters apart na distansya ng kanilang mga parokyano.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Philippine Fitness Alliance Mylene Mendoza-Dayrit na titiyakin nilang napatutupad ang minimum health protocols sa mga gym lalo na’t matagal na panahon na silang hindi nakakapag operate.


Ani Dayrit, nuong nag General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) sa unang bahagi ng taon, 5 buwan lamang sila pinayagang makapagbukas at makalipas ay sinara din bunsod ng banta ng Delta variant.

Paliwanag nito kahit maliit na porsyento lamang ang allowed sa mga gym ay malaking bagay na ito upang maisalba ang negosyo at makabalik trabaho ang ilan nating mga kababayan.

Sa desisyon ng Inter -Agency Task Force (IATF) pinapayagan na ang reopening ng mga fitness studios at gyms pero limitado lamang sa 20 percent ang capacity at ang mga fully vaccinated individuals lamang ang pahihintulutang makapasok.

Facebook Comments