Mga hakbang ng DepEd kontra 2019 nCoV-ARD, nagpapatuloy ayon kay Sec. Briones

Inihayag ng pamunuan ng Department of Education o DepEd na nagpapatuloy pa rin ang kanilang mga hakbang sa lahat ng paaralan sa bansa laban sa 2019 novel coronavirus-Acute Respiratory Disease o 2019 nCoV-ARD.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones na katatapos lang kahapon ang ginawang awareness campaign tungkol sa nasabing virus sa lahat ng paaralan sa lalawigan ng Camiguin.

Maliban dito aniya, pormal na binuksan ang School Disaster Risk Reduction and Management Team o SDRRMT sa pamamagitan ng DepEd nCoV Task Force.


Namahagi rin aniya sila ng mga hand sanitizers sa lahat ng mga DepEd school division office at lahat ng paaralan na sakop ng nasabing lalawigan.

Patuloy rin daw anya sila na magmo-monitor sa lahat ng paaralan ng bansa kung sumusunod sila sa mga alintuntunin na ipinatutupad ng DepEd kaugnay sa palaban kontra 2018 nCoV-ARD.

Facebook Comments