Mga hakbang ng pamahalaan laban sa epekto ng climate change, inilatag ng Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na hindi nakatunganga ang gobyerno sa harap ng lumalalang epekto ng climate change sa bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakalatag na ang mga konkretong hakbang ng administrasyong Marcos para tulungan ang mga Pilipino na makaangkop at maging handa sa matinding pagbabago ng klima.

Kabilang dito ang automated irrigation system na nakatutulong mag-imbak ng tubig, at smart farming initiative na gumagamit ng makabagong teknolohiya para mapatatag ang sektor ng agrikultura.

Kasama rin sa mga pangunahing hakbang ang National Adaptation Plan (NAP) na layong bawasan ang pinsalang dulot ng climate change sa pamamagitan ng mas matibay na mga programa sa mga lugar na madalas tamaan ng sakuna.

Aminado naman ang Palasyo na wala pang bagong update sa itinatatag na Department of Water Resources (DWR), na kabilang sa mga prayoridad ng Pangulo at nakikitang solusyon sa problema sa malawakang pagbaha sa bansa.

Facebook Comments