Nilinaw ng Department of Health (DOH) na maaaring tumanggi ang mga healthcare workers na magpaturok ng Sinovac vaccine.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi mandatory ang naturang rekomendasyon ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG).
Aniya, hindi mawawala ang priority status sa COVID-19 vaccination program ng mga health workers kahit tanggihan nila ang magpaturok ng bakuna ng Sinovac.
Magiging kwalipikado pa rin aniya ang mga ito sa susunod na darating na bakuna.
Sa ilalim ng prioritization list ng pamahalaan para sa COVID-19 vaccine, nangunguna sa dapat turukan ang mga frontline workers sa mga healthcare facilities, senior citizen at persons with comorbidities.
Facebook Comments