AFP, may listahan na ng mga sundalong isasailalim sa COVID-19 vaccination

49

Hawak na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang listahan ng mga sundalong isasailalim sa COVID-19 vaccination.

Kasunod ito ng inaasahang pagdating ng 600,000 doses ng Sinovac vaccine mula China.


Ayon kay AFP Spokesman Major General Edgard Arevalo, target nilang mabakunahan ang may 100 sundalo bawat araw.

Unang isasailalim sa bakuna ang mga sundalo mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos, Cagayan Valley at Central Luzon.

Mayroon naman aniyang accredited sites ng Department of Health (DOH) ang AFP sa National Capital Region, Calabarzon at Bicol Region.

Facebook Comments