Mga Heavy Equipment na Sinunog ng mga NPA sa Cagayan, Kinundena!

Kinundena ni Col Laurence Mina, Commander ng 502nd Infantry Brigade ang ginawang pagtupok sa anim na heavy equipment ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Agani, Alcala, Cagayan.

Magugunita na pasado alas nueve ng gabi noong Pebrero 28, 2019, sinunog ng tinatayang 20 miyembro ng hinihinalang NPA ang Tatlong Mixer, isang Compactor o pison, isang Grader at isang Dump Truck na kasalukuyang ginagamit sa paggawa ng sementadong daan sa ilang bahagi ng Cagayan.

Ayon sa pahayag ng mga tagapagsalita ng 502nd Infantry Brigade sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan, maaari umano na nabigo sa pangingikil sa mga contractor ang dahilan ng panununog ng mga NPA.


Kaugnay nito, ipinag-utos ni Col. Mina na paigtingin ang pagtugis sa mga teroristang NPA upang mapanagot sa kanilang ginawang pananabotahe.

Samantala, patuloy pa rin naman ang paghikayat ng militar sa mga rebeldeng grupo na magbalik loob sa pamahaalan upang mapakinabangan ang mga inilaang programa ng gobyerno.

Facebook Comments