Sunday, April 12, 2026

Mga helicopter ng Philippine Air Force, muling gagamitin pang-apula sa sunog sa Navotas landfill

Nilinaw ng Lokal na Pamahalaan ng Navotas na hindi nila pag-aari ang landfill na nasunog mula pa noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa Navotas City Disaster Risk Reduction and Management Office, itinigil na noong Agosto ng nakaraang taon ang operasyon ng lumang Navotas Sanitary Landfill na dating nasa pamamahala ng Phil. Ecology Systems Corporation kasunod ng pagtatapos ng prangkisa.

Bukod sa sarado na ito, matatagpuan ang landfill sa isang isla na may layong humigit-kumulang 2.6 kilometers mula sa mga kabahayan ng Navotas.

Pahirapan naman ang pag-apula lalo sa gabi dahil hindi maisagawa ang reinforcement operations bunsod ng mababang lebel ng tubig-dagat.

Kahapon naman nang gumamit na ng dalawang helicopter mula sa Philippine Air Force para magbuhos ng tubig at ngayong araw ay muling ipinagpatuloy para makontrol ang mga natitirang apoy at usok.

Ayon sa LGU, patuloy pang iniimbestigahan ngayon ang sanhi ng insidente.

Facebook Comments