Mga ICU at COVID-19 beds sa Metro Manila, nasa ‘safe zone’ na

Bumaba na ang utilization rate ng Intensive Care Unit (ICU) at COVID-19 beds sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, bumaba sa 98 percent ang healthcare utilization rate sa Metro Manila.

Aniya, bumaba rin sa 61 percent mula sa 88 percent ang utilization rate ng ICU beds sa NCR habang ang occupancy rate sa temporary treatment and monitoring facilities ay nasa 36 percent


Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire na hindi pa rin dapat magpakakampante ang publiko at mga Local Government Unit (LGU) dahil may mga lugar sa bansa na mataas ang banta ng COVID-19.

Hinimok naman ni Vergeire ang mga LGU na palakasin pa ang kanilang Prevention, Detection, Isolation, Treatment at Reintegration (PDITR) strategies laban sa COVID-19

Facebook Comments