Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga school official na gawing simple at marangal ang mga idaraos na graduation ceremonies ng mga mag-aaral.
Ayon kay DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, gaya ng mga nakaraang graduation at end-of-school-year (EOSY) rites bago ang pandemya, ang mga seremonya ay dapat isagawa ng taimtim.
Sa Memorandum No. 43 series of 2022 na inisyu noong Mayo 10, itinakda ng DepEd ang mga alituntunin sa pagsasagawa ng graduation rites sa basic education para sa School Year 2021-2022.
Dito ay pagpayag ang limited face-to-face EOSY rites at graduation ceremonies ng mga paaralan at community learning centers na nasa Alert Levels 1 at 2.
Nabatid na mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic, ito ang unang pagkakataon na papayagan ng DepEd ang face-to-face graduation ceremonies at iba pang aktibidad ng EOSY.