Mga inaangkat na gamot ng Pilipinas kontra diabetes, high cholesterol at hypertension, VAT-Free na!

Inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi kasama ang mga inaangkat na gamot para sa diabetes, high cholesterol at hypertension sa mga may Value-Added Tax (VAT).

Sa ilalim ng Revenue Regulations (RR) No. 18-2020 na nilagdaan nitong ika-30 ng Hunyo at inilabas kahapon, July 9, 2020, sinabi ng BIR na hindi kabilang sa 12% VAT ang mga gamot para sa nasabing mga sakit.

Magiging VAT-Free rin ang mga gamot para sa cancer, mental illness, tuberculosis at kidney diseases na magsisimula sa ika-1 ng Enero 2023.


Facebook Comments