Mga ipinagbabawal na paputok, inilabas na ng PNP!

Inilabas na ng Philippine National Police (PNP) ang mga ipinagbabawal na paputok.

Ayon sa PNP, aabot sa 29 na mapanganib na paputok ang tinukoy sa isinagawang dayalogo ng Pambansang Pulisya sa fireworks manufacturer sa Camp Alejo Santos, sa Malolos City, Bulacan.

Kabilang sa mga mahigpit na ipinagbabawal ang watusi, piccolo, five star, pla-pla at goodbye bading.


Sinabi ni Bulacan Provincial Police Director Colonel Relly Arnedo ay posibleng makalason, makapinsala at makapatay ang mga nabanggit na paputok.

Magsasagawa aniya sila ng inspeksyon sa mga pagawaan ng paputok upang mahuli ang mga ilegal at paiigtingin din ang pag-i-isyu ng permit.

Kasunod nito, nanawagan naman si Arnedo sa publiko na i-report sa kanila ang mga ilegal na pagawaan ng paputok upang mahinto ang operasyon ng mga ito.

Facebook Comments