Mga Isabelino, Nakiisa sa Disaster Risk Reduction Management Day!

*Cauayan City, Isabela- *Aktibong nakiisa ngayong araw ang lungsod ng Cauayan maging ang bayan ng Reina Mercedes bilang pakikiisa sa Executive Order no. 17 na nilagdaan ni Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III na magkaroon ng isang araw na paghahanda at paglilinis dito sa ating lalawigan.

Batay sa mga nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, maaga pa lamang ay marami na sa mga Cauayenos ang naglilinis sa kani-kanilang mga nasasakupan bilang pakikiisa sa Disaster Risk Reduction Management Day sa buong lalawigan ng Isabela.

Samantala, sa panayam naman ng RMN Cauayan kay Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Edmund Guzman ng PDRRMO, na kailangan umano nilang tumulong sa paglilinis lalo na sa mga drainage kanal upang maayos umano ang daloy ng tubig sa mga kanal at maiwasan na ring bahayan ng lamok na nagiging sanhi ng sakit na dengue.


Hinikayat naman ni ginoong Guzman ang taumbayan na makiisa sa paglilinis sa mga bakuran, sa mga lansangan at kanal maging sa mga maruruming lugar na maaaring pamugaran ng lamok.

Facebook Comments