Mga isolation unit sa bansa, ipinahahanda na ng Kamara

Ipinahahanda na ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda ang mga isolation unit sa gitna na rin ng banta ng pagtaas ng Omicron variant sa bansa.

Naniniwala si Salceda na ang “best defense” ng bansa laban sa Omicron variant ng COVID-19 ay ang kakayahan na maasikaso at magamot ang lahat ng maiimpeksyon sa sakit.

Makikipag-ugnayan aniya siya kay Testing Czar Vince Dizon upang alamin kung ano ang mga kasalukuyang aktibo at mga nakahandang isolation facilities sakaling tumaas nang husto ang mga kaso.


Sinasabi aniyang ang Omicron ay mas mabilis na makahawa ngunit mas mababa naman ang tiyansang lumala tulad sa Delta variant.

Kung agad na ma-isolate at magamot ang infected person ay tiwala ang kongresistang malalagpasan ng bansa ang variant na ito.

Kailangan aniyang mapaghandaan ang Omicron upang hindi mawala ang momentum sa unti-unting pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments