Mga itinitindang bottled water, pinalilibre sa tax

Manila, Philippines – Pinalilibre ni Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing sa Value Added Tax o VAT ang mga bottled water.

Ayon kay Suansing, kung tatanggalan ng VAT ang mga bottled water ay magmumura ang presyo at magiging magandang alternatibo ito sa mga binibiling softdrinks at sweetened beverages.

Kung mas mura ang presyo ng mga bottled water ay mas tatangkilikin ito ng publiko sa halip na bumili ng sweetened beverages na magtataas naman ng buwis sa ilalim ng tax reform program.


Pero sa ngayon habang hindi pa naaprubahan ang tax reform package, ang mga bottled water na 350ml na itinitinda ay mas mahal pa kaysa sa mga 350ml din na juices at softdrinks.

Marami na rin aniya ang nagkasakit na dahil sa mas tinatangkilik at iniinom ang mga sweetened beverages kaya panahon na para alisan ng VAT ang mga bottled water.

Sa ilalim ng House Bill 5386 ay inaamyedahan ang PD 2158 o ang National Internal Revenue Code of 1997.

Facebook Comments