Nagsagawa ng inspeksyon at clearing operation ang Urbiztondo Municipal Police Station sa mga junk shop sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan nitong Nobyembre 4, 2026 upang matugunan ang paggamit ng mga pampublikong kalsada at bangketa bilang imbakan ng mga kalakal.
Layon ng operasyon na alisin ang mga sagabal sa mga pampublikong daanan.
Kabilang sa mga tinututukan ang pagtatambak ng mga scrap materials at recyclable goods, gayundin ang pagparada ng mga sasakyang ginagamit sa pagkarga at pagbaba ng mga kalakal sa mga kalsada at road right-of-way.
Ayon sa kapulisan, ang mga ganitong uri ng obstruction ay maaaring magdulot ng panganib sa mga pedestrian at magpalala ng pagsisikip ng trapiko.
Mahigpit namang pinaalalahanan ang mga may-ari ng junk shop na panatilihing malinis at walang sagabal ang mga pampublikong kalsada, bangketa at daanan.
Binigyang-diin din na ang lahat ng recyclable materials, scrap items at operasyon ng pagkakarga at pagbaba ng mga kalakal ay dapat manatili lamang sa loob ng pribadong pag-aari o mismong pasilidad ng mga establisimyento. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










