MGA KABATAAN NAGING BENEPISYARYO NG JUNIOR CHILD ADVOCATE PROGRAM

Naging benepisyaryo ang mga kabataan ng Junior Child Advocate Program na isinagawa ngayong araw, isang programa na naglalayong turuan ang mga bata na maging responsable at may malasakit sa kalusugan ng kanilang pamilya.

Layunin ng programa na sanayin ang mga kabataan na maging mas aware sa kalusugan ng kanilang mga magulang. Ayon sa mga tagapagpatupad, mahalaga ang agarang pagsasabi ng mga bata kapag may napansin silang kakaibang nararamdaman ng kanilang mga magulang dahil maaari itong makapagligtas ng buhay.

Bilang bahagi ng aktibidad, namahagi ng mansanas, yoghurt drink, at vitamins sa lahat ng mga bata. Nagkaroon din ng feeding program kung saan sinerbihan ang mga kabataan ng masustansyang pagkain.

Isinagawa ang programa sa pakikipag-ugnayan sa East Central Integrated School (ECIS) kasama ang mga kinatawan ng Teacher’s Club, Parent-Teacher Association (PTA), Mary Help of Christians College, City Health Office, at City Nutrition Office. Layunin ng pagtutulungan ng mga nasabing tanggapan na mapalakas ang kaalaman ng mga kabataan sa tamang pangangalaga sa kalusugan.

Facebook Comments