MGA KABATAAN, NAGTIPUN-TIPON PARA SA 13TH NATIONAL YOUTH PARLIAMENT REGIONAL ASSEMBLY

Nasa isang daan kabataan mula sa iba’t ibang probinsya ng Rehiyon II ang nagtipun-tipon para sa kasalukuyang 13th National Youth Parliament Regional Assembly sa Isabela Convention Center.

Ang nasabing pagpupulong ay pinangungunahan ng National Youth Commission (NYC), Provincial Government of Isabela katuwang ang lokal na pamahalaan ng Cauayan.

Ito ay magtatagal ng tatlong araw na nagsimula noong Hulyo 28, 2022 at nakatakdang mag tapos bukas, Hulyo 30, 2022.

Ayon kay Ginoong Christian Gonzales, Cauayan City Youth Development Officer,ang 13th National Youth Parliament Regional Assembly ay isasagawa kada dalawang taon upang bigyan ng boses at pagkakataon ang mga lider na kabataan na magkaroon ng partisipasyon sa gobyerno at gumawa ng mga polisiya.

Ang unang araw ng pagpupulong ay dinaluhan ni Governor Rodolfo Albano III, Vice Governor Faustino Dy III, Cauayan City Mayor Cesar Jaycee Dy Jr. na nagbigay ng kanilang welcome message sa mga delegado.

Si Atty Benjamin Abalos Jr., Secretary ng Department of Interior and Local Government ang nagbigay ng keynote message.

Opisyal na binuksan naman ni Asec. Laurence Anthony Diestro, NYC Commissioner-at-Large ang 13th NYP.

Ang tatlong araw na kumbensyon ng mga lider-kabataan ay may layunin na magsilbing kasangkapan ng pamahalaan upang matugunan ang mga isyu at makabuo ng mga polisiyang makakasiguro ng youth development.

Facebook Comments