MAGSASAKA, HULI SA PAG-IINGAT NG BALA’T BARIL

17
Cauayan City, Isabela-Isang lalaki ang nahuli sa pag-iingat ng mga bala at baril sa Cauayan City kahapon, Hulyo 28, 2022.

Kinilala ang suspek na si Lardy Rivera, 60 taong gulang, magsasaka at residente ng Purok 1, Brgy. Villa Concepcion, Cauayan City.

Nakumpiska sa kanyang pagiingat ang isang improvised shotgun, anim (6) na piraso ng live ammunition para sa 12 gauge na shotgun, at isang bag.

Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Reymundo Aumentado, Executive Judge ng Regional Trial Court, Branch 20, Cauayan City noong Hulyo 21, 2022.

Si Rivera nahaharap sa kasong paglabag ng RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments