MGA KABATAAN SA CARE FACILITIES, BINIGYAN NG PAMASKO NG DSWD

Mahigit 70 Kabataan sa Centers and Residential Care Facilities sa Cagayan ang binigyan ng maagang pamasko ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) bilang bahagi ng nationwide Christmas for Kids – Gift Giving Activity.

Ang aktibidad ay isinagawa ng DSWD, Office of the President, Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), katuwang ang iba’t ibang volunteer groups na naglalayong maghatid ng saya sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo ngayong kapaskuhan.

Ang mga benepisyaryo ay ang 20 residente sa Cagayan Valley Regional Rehabilitation Center for Youth (CVRRCY) sa Enrile, 24 sa Reception and Study Center for Children (RSCC), 33 sa Regional Haven for Women and Girls (RHWG) in Solana.

Isinagawa ang pamamahagi ng mga regalo sa Malacañang Grounds na dinaluhan ng mga kabataan mula sa Field Office-National Capital Region residential care facilities kung saan sabay-sabay din itong isinagawa virtually ng mga CRCFs mula sa iba’t ibang rehiyon.

Personal na dumalo sa nationwide gift-giving day sa mga center sa Cagayan sina DSWD FO2 Regional Director Lucia Suyu-Alan, Assistant Regional Director for Operations Franco G. Lopez, Malacañang counterpart Erwin Mamauag, RSCC at RHWG guests Rodolfo Iringan, Danilo Ricamora, Percival Ollesca, Nelson Manio, at Rosula Ollesca pati na rin ang iba pang mga kawani ng DSWD FO2.

Facebook Comments