MINERO, PATAY MATAPOS MA-TRAP SA LOOB NG MINAHAN

Patay ang isang minero matapos ma-trap sa loob ng hukay sa Minahang Bayan sa Barangay Magadga, Galdang, Pasil, Kalinga bandang alas-sais ng umaga noong Linggo, Disyembre 4, 2022.

Kinilala ang biktima na si Milnar Bag-ayan, 35-taong gulang at residente ng naturang lugar.

Ayon sa mga awtoridad, gumuho ang mga bato sa loob ng minahan at nadaganan si Bag-ayan.

Pinagtulungan naman ng PNP Pasil at ilang mga concerned citizen na mailabas at buhatin ang labi ng biktima upang dalhin sa kanyang tahanan at pamilya.

Facebook Comments