MGA KABATAAN SA LA UNION, PINALAWAK ANG KAALAMAN SA DIGITAL LITERACY

Pinalawak ang kaalaman ng mga kabataan sa La Union sa digital literacy sa pamamagitan ng programang inilunsad ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng provincial library.

Layunin ng programa na mabigyan ang mga kabataan ng mahahalagang kaalaman at kasanayan sa ligtas at responsableng paggamit ng digital platforms.

Tinalakay sa aktibidad ang iba’t ibang paksa kabilang ang basic graphic design at ang kahalagahan ng maayos at kaakit-akit na content sa digital space.

Tampok din ang “Kwentong Tagumpay” kung saan ibinahagi ng ilang negosyante ang kanilang karanasan at inspirasyon sa mga mag-aaral, kabilang ang tamang paggamit ng social media sa pagpapalago ng negosyo.

Nagkaroon din ng hands-on workshop na nagbigay ng karagdagang kasanayan sa mga kalahok.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, bahagi ang programa ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang kakayahan ng kabataan upang maging responsable at produktibong digital citizens. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments