MGA KABATAAN SA PANGASINAN, ISINUSULONG ANG ZERO WASTE

Kabataan ang pag-asa ng bayan.

Ito ang pinatunayan ng mga kabataan sa bayan ng Alcala na dumalo sa Isang Zero Waste Activity forum na inorganisa ng Pangasinan Youth for Disaster Risk Reduction and Management.

Nagtipon ang humigit kumulang 40 Youth leaders, Journalist, at mga environment advocates sa Arboleda National High School Gymnasium kahapon, January 21 upang talakayin ang mga maaaring kontribusyong gawin ng mga katulad nilang kabataan sa pagsulong ng Zero Waste bilang bahagi ng Zero Waste Month.

Sa temang RePurpose Zero Waste Starts With YOUth, nais ipabatid ni Angel Grace Espiritu, President ng Pangasinan Youth for Disaster Risk Reduction and Management ang mahalagang tungkulin ng mga kabataan sa pangangalaga ng kalikasan.

Kada taon, bilang bahagi ng kanilang anibersaryo, isinasagawa ng grupo ang mga ganitong forum upang mas makahikayat pa ng mas maraming kabataan na makiisa sa kanilang adbokasiya.

Ang aming himpilan Kaisa sa hangarin na pangalagaan ang kalikasan sa pagsasagawa ng mga nasabing programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments