Mga kabataang ‘sira’ ang mga mata sa bansa, dumarami- DOH

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na regular na magpasuri ng mata kapag nagkakaroon ng problema sa paningin.

Ito’y kasabay ng pagdiriwang ng National Sight Saving Month tuwing ngayong buwan ng Agosto.

Ayon kay DOH Disease Prevention and Control Bureau, Medical Specialist IV Maria Rosario Silvia Uy, dapat makagawian ng publiko ang pagpapakonsulta para maiwasan ang malabong mata.


Hinikayat din ni Uy ang lahat na pangalagaan ang mata at alamin ang mga hakbang para maisalba ang lumalabong paningin.

Napansin kasi ng DOH, na dumarami na ang mga kabataan o pabata na nang pabata ang edad ng mga may malabong mata, dahil sa paggamit ng mga gadget.

Samantala, tiniyak naman ng Philippine Eye Research Institute (PERI) na patuloy silang makikipagtulungan sa DOH sa pagpigil ng pagkabulag sa pamamagitan ng pagsulong ng mas mataas na awareness hinggil sa kalusugan ng mata.

Facebook Comments