Para sa karagdagang proteksyon, nagsagawa ng basic gun handling seminar ang Philippine National Police (PNP) sa mga kagawad ng media.
Pinangunahan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang nasabing training.
Ayon kay Azurin, layon nitong magkaroon ng kaalaman ang media sa paghawak ng baril at madepensahan ang kanilang sarili kasunod na rin ng kanilang propesyon.
Kasama sa itinuro sa seminar ang range rules, gun safety, firearms identification, loading and clearing of hand gun, fundamental shooting at live firing.
Pabor din ang PNP chief na armasan ang media basta’t kwalipikado at dumaan sa proseso.
Facebook Comments