Manila, Philippines – Pinag-iisipan ng mga kaalyadong grupo ng Makabayan Bloc sa Kamara na maghain ng petisyon sa Korte Suprema para kwestyunin ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.
Nakasaad sa Saligang Batas na maaaring kwestyunin ng sinumang indibidwal o grupo ang martial law sa Kataas-taasang Hukuman.
Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, ang mga kaalyadong grupo nila at hindi sila sa Makabayan Bloc ang maghahain ng petisyon.
Paliwanag ni Tinio, hindi pwedeng silang mga Makabayan Congressmen ang maghahain dahil makikilahok sila sa proseso ng Mababang Kapulungan kapag tinalakay na ang martial law.
Tiniyak naman ng mambabatas na susuportahan nila sa Makabayan ang iaakyat na petisyon ng kanilang mga kagrupo.
Ang Korte Suprema na anila ang pinakamainam na magreview ng deklarasyon ng Pangulo dahil independent ito.
DZXL558, Conde Batac