Pangulong Duterte, bibisita sa kampo ng Sundaloa at mga Evacuees sa Iligan City

Manila, Philippines – Personal na aalamin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sitwasyon ng mga sundalo at mga evacuees sa Iligan City dahil sa kaguluhang nangyayari sa Marawi city.
Batay sa official schedule ni Pangulong Duterte ay bibisitahin nito ngayong araw ang 2nd Mechanized infantry brigade ng Philippine army sa Lanao del Norte.
Dadalawin din naman ni Pangulong Duterte ang mga nasugatang Sundalo at Pulis at huling pupuntahan ng Pangulo ang Evacuation Area para alamin ang kalagayan ng mga evacuees.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na handa siyang pumunta mismo sa Marawi City para kausapin ang Maute pero dapat aniyang ibaba muna ng mga ito ang kanilang mga Armas.
DZXL558, Deo de Guzman

Facebook Comments