Mga kalsada sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Paeng, hindi pa rin madaanan

Hindi pa rin madaanan ng mga motorista ang 24 na mga lansangan sa 7 rehiyon na sinalanta ng Bagyong Paeng.

Kabilang dito ang 12 kalye at tulay sa Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 2, Region 3 at CALABARZON.

Gayundin ang anim na kalye at tulay sa Regions 6 at 8.


Habang anim din na lansangan at tulay ang nagkaroon ng mga pinsala sa Region 12 at Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) kasunod ng mga ulan at baha dulot ng bagyo.

Patuloy naman ang clearing operations ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga saradong kalsada.

Facebook Comments